| Noong ako'y bata, mangmang sa lahat Mga katangunga'y sinasagot dapat. Ang isipan ko noo'y sa laro nakatuon Mahalagang bagay itinakwil ni'ndi nilingon. Sa aking paglalakbay Mga magulang ko'y siyang kaagapay Sa mga gintong aral, binusog ako't tinuruan Upang lumaking may Kasarinlan. Ako'y tila punla na bagong sibol Inaalagaan, para ito'y yumabong Sa init ng araw ito'y itinaggol Upang di matamlay o madaling mapupol. Sa bawat gawin ko, ako'y binantayan Sa lahat ng oras ako'y pinagmasdan. Mga panaho't oras, dumaang kay dali Lumaki ako nayong puno ng lindi. Ang yaong pagsubok, aking iwinaksi At nang makarating sa mithiing yari. |