![]() |
Sa Paglubog Ng Araw (Tagalog) |
| Sa baybayin, ako'y nakasungaw Yaong mga ibon at ang mga paraw. Sadyang kay ganda, na nag-uunahan Habang sumisisid sa mabatong daungan. Abot-malas kong ika'y naglalakad, Panaho'y di sinayang, pinuntahan ka kaagad. Ako'y nasasabik na ika'y makayakap Sa paglubog ng araw, ikaw ang masulyap. Masdan mo ang dagat, sa malayong unahan, Sinalami'y langit na tila pinintahan Ng masiglang kulay, gaya nitong pag-ibig Na lalong umiinit sa bawat pagpintig. Tayo nga'y nakahiga sa mapinong buhangin, Haplos ng mga alon ay kay sarap mandin. Sa ibabaw ng mundo'y tayo ang magkapiling Kahit sa panaginip ay kay sarap gunitain. Mga mata ko'y tingnan mo ng mariin, At nang mabasa mo ang nais nitong sabihin. Tenga mo'y ilapat nitong aking dibdib, Upang iyang sinisigaw ay iyong marinig. At sakaling dumating ang gabing mapanukso, Mga mata mo'y ipikit ng husto Sa iyong isipan, ako'y gunitain, At sa buong magdamag, magkasama'y tayo parin. English Translation:
|